Iba pang miyembro ng KADAMAY, binalaan ni Pang. Duterte na huwag nang mang-aagaw ng pabahay

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na muling mang-aagaw ng mga bahay ang mga miyembro ng KADAMAY.

Una rito,  marami ang nagulat at hindi natuwa sa desisyon ni Pangulong Duterte na ibigay na lamang sa KADAMAY ang mga bahay na nakalaan para sa mga sundalo at pulis sa Bulacan dahil baka lalong maglakas loob ang iba na mang-agaw ng mga bakanteng pabahay.

Sinabi ni Pangulong Duterte, malinaw ang kanyang babala at makakatikim ang ibang miyembro ng KADAMAY na magtatangkang ookupa sa ibang pabahay lalo na sa bagong itatayo para sa mga naagawang sundalo at pulis.

Banta  ni Pangulong Duterte, kung pinagbigyan sila ngayon ay huwag namang aabuso o sosobra dahil mapapasama na sila.

Samantala, inihayag ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco na posibleng kailangan pang amyendahan ang batas para maging ligal ang paglilipat ng titulo o pagmamay-ari sa mga miyembro ng KADAMAY dahil sa General Appropriations Act, nakalaan ang pondo sa pabahay ng mga sundalo at pulis.

“No. Nagwarning na ako sa kanila. A warning is a warning they will not receive the same they will not alam mo tao mapagbigay pero wag mo naman sobrahan ako kasi sabi ko military saka police tapos mag away away may baril ito pag-initan agawan nila talaga sabi ko…hayaan mo na sa kanila ‘yan tutal ‘yung gawain ko sa kanila para na sa pulis talaga wala na makapasok yung mas maganda ‘yung reklamo ng pulis na ayaw nila sa bahay na ginawa i-correct ko ‘yan para wala na as it is may mga reklamo so para wala nang gulo saka mahirap naman mga ‘yan because I do not want to magkapukpukan pa magkasamaan pa ng loob eh sige bigay mo na lang tutal meron pa naman panahon sa buhay I’ll build them a new one tiningnan ko NHA kung may pera pa meron”. – Pangulong Duterte

 

Please follow and like us: