Iba’t-ibang grupo, nag-rally sa Maynila

Nagsimula na ang aktibidad sa Liwasang Bonifacio, sa Lawton, Maynila para sa indignation rally ng iba’t ibang grupo ngayong araw.

Ito ay sa kabila ng masamang panahon na nararanasan sa lugar.

Ang mga grupong nagtipon-tipon ngayon ay ang: Hands off of Our Children, League of the Parents of Philippines, Citizen Crime Watch at Manila NGO Alliance.

May inilagay na mga tent at stage Liwasang Bonifacio para sa pagtitipon.

Ang rally ng mga nabanggit na grupo ay isinabay sa ika-limampu’t isang anibersaryo ng CPP-NPA.

Bukod dito, ang rally ay pagkondena sa umano’y recruitment ng New People’s Army o NPA sa mga estudyante o mga kabataan para sumali sa rebeldeng grupo, mamundok, at lumaban kontra sa pamahalaan.

Ayon sa Manila Police District o MPD, inaasahang marami ang sasali sa rally.

Nakakalat naman ang mga tauhan ng MPD at SWAT, upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa bahagi ng Liwasang Bonifacio, habang isinasagawa ang rally.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: