IBP magsasagawa ng background investigation sa mga aplikante sa mga puwesto sa hudikatura

Pumasok sa kasunduan ang Judicial and Bar Council (JBC) sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa pagsasagawa ng background investigation sa mga aplikante sa judicial posts.

Ang JBC-IBP memorandum of agreement (MOA) ay nilagdaan sa ika -35 anibersaryo ng JBC.

Bukod sa imbestigasyon ay maglalabas din ng resolusyon ang IBP para sa nominasyon sa pamamagitan ng mga lokal, regional, at nasyonal na tanggapan nito.

Alinsunod sa kasunduan, ang background investigation at nomination ng IBP ay magsisilbing karagdagang kasangkapan ng JBC para matiyak na ang mga aplikante ay nagtataglay ng mga kuwalipikasyon na inoobliga ng Konstitusyon at iba pang mga batas.

Ang JBC ang sumasala at nagsusumite sa pangulo ng bansa ng mga nominado sa mga posisyon sa hudikatura, Office of the Ombudsman, Deputy Ombudsman, at Special
Prosecutor, at mga tanggapan ng Chairperson at Regular Members ng Legal Education Board.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *