ika-apat na kaso ng Monkeypox virus sa bansa sumasailalim nalang sa home isolation

Isa nalang sa apat na Monkeypox case dito sa bansa ang sumasailalim pa sa isolation.

Ayon sa Department of Health, ang case number 4 na ito ay nakalabas na ng ospital at kasalukuyang naka home isolation hanggang sa gumaling na lahat ng sugat nito.

Pero wala naman na itong mga bagong rashes at iba pang sintomas ng virus.

Sa kanyang 20 close contacts naman walang nakitaan ng sintomas, isa nalang sa kanila ang naka quarantine, habang ang 19 ay nakatapos na ng isolation.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *