Ikaapat at huling batch ng mga Pilipino mula sa Gaza, uuwi sa bansa ngayong araw

Darating na rin sa bansa ngayong Miyerkules ang 4th batch ng mga Pilipino na lumikas mula sa Gaza.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo, ang grupo ay binubuo ng labing tatlong Pilipino kasama ang anim na asawa.

Sa oras na makauwi ay aabot na sa 102 Pilipino na nakatawid sa Rafah Border ang na-repatriate.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na ito na ang maaaring huling batch ng mga Pinoy mula sa Gaza na uuwi sa bansa.

Ang nalalabing 26 Pinoy sa Gaza ay tila determinadong manatili doon sa kabila ng patuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *