Ilan pang inmates sa Correctional Institution for Women, binakunahan na rin laban sa COVID-19

Nadagdagan pa ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Correctional Institution for Women ang naturukan laban sa COVID-19.

Ayon sa Bureau of Corrections, 92 babaeng inmates ng CIW ang nakatanggap ng unang dose ng AstraZeneca.

Courtesy: BuCor

Sinabi ng BuCor na patuloy na nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng CIW sa Mandaluyong City Health Department para mabakunahan laban sa virus ang mga nalalabing unvaccinated PDLs.

Courtesy: BuCor

Una nang iniulat ng CIW na mahigit 90% ng inmates sa CIW o mahigit 3,000 ang nakatanggap na ng una at ikalawang dose ng anti- COVID vaccines.

Moira Encina

Please follow and like us: