Mahigit 14,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa

Umabot na sa 138,294 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 14,286 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 8,268 ang naitalang bagong gumaling.

May 130 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 38,294 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,549,966 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,373,378 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Ayon sa DOH, nakitaan nila ng 10 porsiyentong pagbaba ang mga isinagawang Covid-19 testing ngayong linggo kumpara sa mga nakalipas na linggo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: