Ilan pang sasakyan ng mga biktima ng rent-tangay scam, naisauli na sa mga may-ari nito

Anim pang sasakyan ng mga nabiktima ng ‘rent-tangay’ scam ang  naisauli sa mga may-ari nito.

Isinagawa sa DOJ ang pormal na turnover ng  mga SUV  at personal na iniabot ni  Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang susi ng sasakyan sa mga owner nito.

Ang mga naisauling sasakyan ay  dalawang Mitsubishi Montero Sport, Isang Toyota Hilux , isang Hyundai Tucson, Isang Toyota Vios at isang Mitsubishi Mirage.

Sa datos ng DOJ at NBI, kabuuang 183 na ang naisauli sa mga tunay na owner mula sa 300 sasakyan na narecover ng NBI.

Dahil dito mayroon pang 117 na sasakyan na nasa kustodiya ng NBI at hinihintay na maisauli sa mga biktima.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: