Ilang bahagi ng EDSA, isasailalim sa road reblocking at repair activities ngayong weekend

Isasara ang ilang bahagi ng EDSA ngayong weekend dahil sa reblocking at repair activities.

Sa advisory ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang road activities mamayang alas-11:00 ng gabi, November 12 at matatapos sa alas-5:00 ng umaga ng Lunes, November 15.

photo: MMDA

Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang:

1. EDSA-Quezon City, bago mag-Anapolis st., hanggang bago mag-Boni Serrano flyover – Northbound, second lane mula sa center island

2. EDSA Tramo flyover sa Pasay City

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

Please follow and like us: