Mga kandidato sa pagka-Pangulo, nagpahayag na hindi nila iuurong ang kanilang kandidatura

Sa harap ng maugong na pagtakbo ni Mayor Sarah Dutere para sa National Elections, tiniyak ng mga kandidato sa pagkapangulo na hindi nila iuurong ang kanilang kandidatura.

Sa isang statement , sinabi ni Dating Senador Bongbong Marcos na hindi totoo ang mga espekulasyon na maAaring mag-slide down siya sa pagka- Bise-Presidente para bigyang-daan ang posibleng kandidatura ni Mayor Inday Sarah.

Ang dalawa ay dumalo sa kasal ng anak ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa Cavite.

Samantala, pinabulaanan rin ni Senador Manny Pacquiao ang napapaulat na iaatras niya ang kandidatura.

Sinabi ni Pacquiao na walang tinalakay na anumang isyu ng pulitika sa pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi tanging mga proyekto lamang kung paano mapapaunlad ang Mindanao.

Katunayan ayon sa Senador tuloy ang kaniyang pagtakbo sa pagka-Pangulo .

Meanne Corvera

Please follow and like us: