Ilang bahagi ng Sta. Rita at Porac sa Pampanga, mawawalan ng suplay ng kuryente

Nagpaalaala ang PELCO o Pampanga Electric Cooperative Inc., na magkakaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng Guagua, Sta. Rita, at Porac sa darating na Huwebes August 12, 2021 sa ganap na ika-8:15 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

Sa Guagua, kabilang sa mawawalan ng suplay ng kuryente ang mga sumusunod:

Brgy.San Matias – (Mc Donald, Weststar at MQC).

San Jose – (Dayat), Natividad, Lambac, Magsaysay ( ilang bahagi ng Purok 3, 4 at 5), Rizal (ilang bahagi lamang), Pulongmasle, Ascomo, at San Vicente (Ebus).

Sa Sta. Rita naman ay kabilang ang ilang bahagi ng Dila-dila.

Sa Porac ay ang Salu at Balu ad (sa Purok 6 at 7)

Paliwanag ng PELCO, ang power interruption ay bunsod ng relokasyon ng poste sa P.O.W sa Purok 4, Natividad. Reconfiguration ng primary line assembly sa San Jose, Guagua, malapit sa Barangay Hall.

Papalitan din ang feeder cut out at magkakaroon ng maintenance works at R.O.W line clearing.

Arnold Batario

Please follow and like us: