Ilang Barangay incumbent officials sa Navotas, naghain ng COC ngayong araw

Ngayong Biyernes, October 8, ang huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy o COC.

Sa Navotas City, magkakasamang naghain ng kanilang COC ang ilang incumbent officials.

Kabilang dito ang mga opisyal ng barangay na sina Lito Sulit, kapitan ng Bagumbayan South na nais tumakbo bilang konsehal ng Distrcit 1 kasama si Anne Gaa.

Gayundin sina Aljohn Grutas, chairman ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tanza, at Marielle Del Rosario na nais tumakbong konsehal sa District 2.

Ayon kay Gaa, ito ang ikalawang pagkakataon ng kanilang pagtakbo para sa eleksyon.

Layunin aniya ng kanilang muling pakikipagsapalaran ay upang maging katuwang sa pagpapaunlad pa ng pamahalaang lungsod ng Navotas, at upang makapagbigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.

Aldrin Puno

Please follow and like us: