Ilang Barangay sa QC, nakararanas ng mahinang suplay ng tubig dahil sa leak repair works
![](http://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2021/08/1604469_470936556351033_971431726_n.jpg)
Naglabas ng abiso ang Manila Water ng emergency leak repair works sa ilang lugar sa Quezon City ngayong araw, August 13.
Kabilang sa mga apektadong Barangay ay ang Bagong Pag-Asa, Alicia, Ramon Magsaysay at Sto. Cristo.
Ayon sa Manila Water, nagkaroon ng mainline breakage sa ginagawa ng third-party contractor sa kahabaan ng EDSA kanto ng Corregidor St., Brgy. Ramon Magsaysay.
Inaasahang matatapos ang leak repair ng alas-5:00 mamayang hapon batay na rin sa pahayag ng Manila Water.
Please follow and like us: