Ilang kalsada sa Isabela-Cagayan, hindi pa maaaring daanan

Hindi pa maaaring daanan ang Caralucud, San Pablo, Isabela na mga daang nag-uugnay sa Cagayan bunsod ng pagtaas ng tubig sa Cagayan river dahil sa bagyong Ulysses.

Bunsod nito, maraming motorista ang naantala ang biyahe dahil sa matinding pagbaha.

Samantala, marami ring pamilya ang naapektuhan ng matinding pagbaha, kung saan karamihan ay bubong na lamang ng kanilang bahay ang makikita.

Marami sa mga residente ang nagsilikas, habang ang iba naman ay nagtayo ng pansamantalang matutuluyan sa gilid ng daan.

Ulat ni Jenhis Camat

Please follow and like us: