Magnitude 3.9 naitala sa masbate – PHIVOLCS

Nakapagtala ang Philippine institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ng magnitude 3.9 na lindol sa masbate.

Ayon sa phivolcs, naitala ang pagyanig kaninang alas 8:10 ng umaga sa layong dalawamput limang kilometro hilagang kanluran ng cataingan.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na dalawamput apat na kilometro.

Wala namang naitalang pinsala sa mga ari arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Please follow and like us: