February 26, 2021
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
RadyoAgila.com RadyoAgila.com
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Menu
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Balita Ngayon
  • Queen Elizabeth II, hindi nasaktan nang bakunahan
  • Daily COVID-19 cases sa NCR, patuloy ang upward trend batay sa OCTA research
  • Tiger Woods, inilipat sa Los Angeles hospital para sa dagdag pang gamutan
  • Grupo ng mga health care workers nagrally sa labas ng PGH sa Maynila
  • Mga alagang aso ni Lady Gaga, ninakaw
  • 15 mangingisda na sakay ng lumubog na bangka noong kasagsagan ng bagyong Auring nasagip ng PCG
  • ABIG Pangasinan, isinagawa sa bayan ng Tayug
  • Medical Mission at Blood Donation Activity, isinagawa sa Bayan ng Urbiztondo
  • Comelec, nagsagawa ng Walkah-Walkah Voter Education Campaign
  • Scubasurero Program regular na isinasagawa sa Hundred Islands National Park
02:51 PM Clock
Home ROLLY 2 Ilang kalsada sa mga rehiyong dinaanan ng bagyong Rolly, sarado pa rin sa mga motorista

Ilang kalsada sa mga rehiyong dinaanan ng bagyong Rolly, sarado pa rin sa mga motorista

on: November 02, 2020

May ilang kalsada sa mga rehiyong dinaanan ng bagyong Rolly ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista.

Sa ulat ng Department of Public Works and Highways sa Cordillera Administrative Region ay not passable parin ang Kennon Road na isinara muna mula pa noong bagyong Pepito.

Sa Apayao naman ay sarado pa rin ang Claveria – Calanasan – Cabugao road dahil sa pagguho ng lupa.

Sa Benguet maman ay sarado ang Tawang – Ambiong road dahil sa naputol na kalsada na nangyari noon pang pananalasa ng Bagyong Pepito.

Sa lower Kalinga naman ay sarado parin ang Tabuk – Banawe via Tanudan – Barlig road na naapektuhan noon pang manalasa ang bagyong Quinta.

Sa Isabela naman ay not passable pa rin ang Cabagan – Sta. Maria overflow Bridge dahil sa baha na mula pa noong bagyong Pepito.

Dahil naman sa tuluy-tuloy na buhos ng ulan sarado pa rin ang Junction ng Logac Lasam Gagabutan road, Rizal section sa Cagayan dahil sa mudflow dahil sa patuloy na pag ulan.

May bahagi naman ng Nueva Ecija – Aurora road ang hindi pa rin madaanan dahil sa flash flood at mudflow.

Sa Pampanga naman ay not passable parin ang bahagi ng Baliwag Candaba Sta. Ana road dahil sa flooding na isinara mula pa noong manalasa ang bagyong Quinta.

Sa Batangas naman ay not passable ang Star Tollway Pinamucan bypass road matapos may masirang bahagi noon pang bagyong Quinta maging ang Talisay Laurel Agoncillo unclassified road.

Sa Quezon province naman ay not passable pa rin ang bahagi ng Catanauan-Buenavista road dahil sa mga bumagsak na puno.

Sa Albay naman ay not passable pa rin ang Tabaco Wharf Road 1 and 2 dahil sa natumbang poste, Polangui Section ng Daang Maharlika dahil sa baha at natumbang poste, at Balangibang Section dahil sa baha.

Sa Camarines Sur ay not passable pa din dahil sa mga nalaglag na poste at puno ang Daang Maharlika sa may bahagi ng Sipocot, Naga City-Carolina-Panicuasson road, Milaor-Minalabac-Pili Road, at Manguiring-Sibobo-Cagsao Cabanbanan Road dahil sa bumagsak na poste.

Ang Lagonoy-Caramoan Road sa Ancolan Camarines Sur naman ay passable lang para sa motorsiklo dahil sa bumagsak na poste ng kuryente.

Ang Daang Maharlika Nabua-Poblacion at Baao-Iriga City-Nabua Road, Iriga City proper ay not passable din dahil sa baha at natumbang poste.

Ganun din sa Donsol – Banuang Gurang Road sa Sorsogon na hindi pa madaanan dahil sa baha at natumbang poste.

Sa Bukidnon ay not passable pa rin ang Misamis Oriental -Bukidnon – Agusan Road, Siloo Bridge dahil sa landslide at bahagi ng tulay na nag collapse.

Tiniyak naman ni DPWH Secretary Mark Villar ang tulu- tuloy na clearing at emergency repair operation ng kanilang mga tauhan para agad maiayos ang mga kalsada at mabuksan sa mga motorista sa lalong madaling panahon.

Madz Moratillo

  • Ilang kalsada sa mga rehiyong dinaanan ng bagyong Rolly, sarado pa rin sa mga motorista
    Previous

    MRT-3, balik-operasyon na ngayong araw

  • Ilang kalsada sa mga rehiyong dinaanan ng bagyong Rolly, sarado pa rin sa mga motorista
    Next

    Maraming bayan sa Southern Luzon at Bicol region, wala pa ring kuryente dahil sa epekto ng bagyong Rolly

2014 Powered By Wordpress, Goodnews Theme By Momizat Team

  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Desktop Version Mobile Version