Ilang korte sa bansa, pisikal na sarado hanggang sa unang linggo ng Marso bilang pag-iingat sa COVID-19

Pansamantalang sarado ang ilang hukuman sa bansa hanggang sa unang linggo ng Marso bilang bahagi ng precautionary measures sa COVID-19.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, naka-lockdown ang Puerto Princesa City Hall of Justice Compound hanggang sa March 6.

Sarado naman hanggang March 7 ang Baguio City RTC Branch 4 at hanggang March 8 naman ang Bacoor City MTCC Branch 3.

Pisikal na sarado hanggang March 2 ang Talisay City, Cebu  RTC Branch 66 at Zarraga-New Lucena-Leganes, Ilolio,9th MCTC.

Ang mga nasabing hukuman ay maaari namang ma-contact ng publiko sa pamamagitan ng kanilang email addresses at official hotlines.

Ang pagsasara ng mga korte ay para bigyang-daan ang disinfection sa mga tanggapan, at quarantine ng mga kawani.

Moira Encina

Please follow and like us: