Ilang korte sa Luzon suspendido ang pasok dahil sa Bagyong Egay

Walang pasok ang ilang hukuman sa Luzon dahil sa Bagyong Egay.

Kabilang sa suspendido ang operasyon ay ang lahat ng korte sa La Union; Pangasinan at Hall of Justice; La Trinidad, Benguet; Baguio City; at Nueva Vizcaya.

May work suspension din ang Aparri, Cagayan Regional Trial Courts at Municipal Trial Courts; Aparri-Calayan, Cagayan Municipal Circuit Trial Court; Dagupan City Regional Trial Courts at Hall of Justice; at Tuguegarao City Municipal Trial Court.

Apektado rin ang pasok ng ilang korte sa Isabela, Nueva Ecija, at Bataan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *