Ilang korte suspendido ang pasok ngayong Lunes, September 4

Walang pasok ang ilang hukuman sa bansa ngayong Lunes, September 4 dahil sa masamang panahon.

Kabilang sa nag-anunsiyo ng suspensiyon ay ang lahat ng korte sa Dagupan City, Pangasinan dahil sa mga pagbaha doon.

Gayundin, ang Hall of Justice ng Lingayen, Pangasinan bunsod din ng mga pagbaha sa lugar.

Maaari namang pumunta sa official social media pages ng Supreme Court Public Information Office para makita ang listahan ng work suspension.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *