Ilang lugar sa Rodriguez Rizal, binaha bunsod ng malakas na ulan

Pasado alas 4:00 ng hapon nitong weekend, bumuhos ang malakas na ulan sa Brgy. San Jose Rodriguez Rizal na siyang nagpabaha sa mga lugar na nasasakupan nito.

Particular sa isang kalsada sa Southville 8B na tinuturing na mababang lugar kung saan mabilis rumaragasa ang tubig sa kalsada.

Ang ilang kabataan sinamantala ang pagkakataon na maligo sa lakas ng buhos ng ulan kahit na may kasamang kulog at kidlat.

May mga motorista na pinipilit namang daanan at sabayan ang rumaragasang tubig-baha na umabot hanggang tuhod.

Isang motorista naman ang nasiraan at pinilit pa ring itawid ang kaniyang motor sa kabilang kalsada.

Samantala, ang nasabing thunderstorm ay patuloy na nararanasan lalo sa bandang hapon ngayong panahon ng tag-ulan.

Ulat ni Lorina Salaum

Please follow and like us: