Ilang lugar sa South Cotabato, nirarasyunan na ng tubig dahil sa El Niño

Nirarasyunan na ng tubig ang ilang lugar sa South Cotabato dulot ng matinding epekto ng tagtuyot.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga lugar na nirarasyunan ng tubig sa bayan ng Palomo ay ang Purok 1, 2 at 3 ng barangay Kinilis. Katunayan tatlong truck ng tubig ang inilibot sa barangay.

Sa ngayon nasa 200 pamilya na ang nabigyan ng tubig. Ayon pa rin sa PDRRMO, nakatakda rin silang magbigay ng mga container upang mayroong mapag-imbakan ng tubig ang mga residente.

Please follow and like us: