Ilang mga barangay sa Bacoor at Imus Cavite mawawalan ng tubig sa susunod na linggo

Mawawalan ng tubig ang mga lugar sa Baccor at Imus City Cavite sa susunod na linggo. 
Ito ay dahil sa isasagawang Maintenance activity ng Maynilad  sa Putatan water treatment plant 2 sa Muntinlupa City. 
Isasagawa ang Water interruption sa April 8 and 9 mula alas 12 ng tanghali hanggang alas 8 ng umaga ng april 9.
Kabilang sa mga lugar na mawawalan ng tubig ay ang mga barangay ng: Molino II hanggang IV at VII, Queensrow, Central, East, West, at Brgy. San Nicolas III sa Bacoor City Cavite. 
Habang ang mga barangay naman ng Pasong Buaya I at II sa Imus City Cavite ay mawawalan din ng tubig sa mga nabanggit na petsa.
Pinapayuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag imbak na ng tubig bago pa man sumapit ang apr. 8 at 9. 

Please follow and like us: