Ilang mga barangay sa Biñan City Laguna, lubog pa rin sa tubig baha matapos manalasa ang Bagyong Ulysses sa lalawigan.

Matapos manalasa ang Bagyong Ulysses sa laguna, nananatili pa ring lubog sa tubig baha ang ilan pang mga barangay sa Biñan City.


Marami din sa mga residente ay nanatili pa rin sa mga evacuation center dahil sa mga pagbaha na dulot ng bagyo.

Ilan sa mga lugar na lubog sa tubig baha ay ang mga barangay ng Malaban, San Jose, Canlalay at Brgy.  Dela Paz. 


Bagaman lubog sa tubig baha ang maraming pang mga lugar sa Biñan ay patuloy naman sa pagbibigay ng tulong ang City Govt of Biñan sa mga apektadong residente ng pagbaha. 

Ulat nina: Arnel Aleroso at Jet Hilario

Please follow and like us: