Ilang miyembro ng Maute group posibleng nakalabas na ng Marawi City

Courtesy of Wikipedia.org

Posibleng nakalabas na ng Marawi City ang ilang miyembro ng Maute group ayon sa militar.

Sa Mindanao hour briefing sa Davao City, sinabi ni Eastern Mindanao Command Spokesman Brig. General Gilbert Gapay, maaaring nakatakas na mula sa Marawi ang ilang Maute member sa kasagsagan ng bakbakan noong mga nakaraang araw.

Isang patunay aniya nito ang pagkakahuli ng militar kay Cayamora Maute, nang pumasok sa Davao City.

Nabatid  na nasa loob pa ng Marawi City si Cayamora noong kasagsagan ng bakbakan sa lungsod subalit nakalusot pa rin palabas ng Lanao del Sur.

Nauna ng nanawagan ang pamunuan ng AFP sa lahat ng komunidad na makipagtulungan sa otoridad kung may mga bagong salta sa kanilang lugar para ma-imbestigahan kaagad.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *