Ilang residente sa Maasin City, Southern Leyte, inilikas dahil sa pagbahang dulot ng bagyong Dante

Nasa 40 residente ng Barangay Basak at Barangay Combado, Maasin City sa Southern Leyte ang inilikas matapos ang matinding pagbaha sa lugar.

Ang mga residente ay pansamantalang nananatili ngayon sa Barangay Basak Gymnasium.

Kagabi, nasa 200 residenteng naninirahan sa tabing ilog ng Tubay river sa Agusan del Norte ang inilikas.

Nagkaroon ng pagtaas ng tubig sa ilog dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Ang mga residente ay nasa Doña Rosario National High School.

Ilang sasakyan rin ang lumubog sa baha. (Click here to see photos)

Please follow and like us: