“Ill-gotten wealth” ng pamilya Marcos, handa ng ibalik sa gobyerno ayon kay Pangulong Duterte

Handa na ang pamilya Marcos na buksan at ibalik ang sinasabing nakaw na yaman o “ill-gotten wealth” ng mga ito.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Duterte.

ayon sa Pangulo tatanggapin niya ang alok ng mga Marcos maging ang kanilang paliwanag sa nakaw na yaman, totoo man o hindi, basta ang mahalaga ay makinabang dito ang bayan.

Kaugnay nito, kukuha naman si Pangulong Duterte ng isang grupo ng Certified Public Accounting (cpa), isang retired Supreme Court Chief Justice at isa pang representative na katanggap-tanggap sa lahat.

Bahala na aniya ang mga ito sa pagsasagawa ng accounting kung magkano ang ibabalik sa gobyerno.

Ikinagagalak naman ng Pangulo na magkaroon ng deal na naratapat lamang para sa mga Pilipino.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *