Ilocos Norte at Sultan Kudarat, niyanig ng lindol

 

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Adams sa Ilocos Norte.

Ang lindol  ay naganap alas 2:16 ng madaling  araw sa 22 kilometers east ng Adams.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs,  15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Palimbang, sa Sultan Kudarat.

Naitala naman ang lindol sa 175 kilometers south ng Palimbang, alas 2:26 ng madaling araw.

Tectonic din ang origin ng lindol at 337 kilometers ang lalim.

 

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *