Iloilo Mayor Jed Mabilog, hindi dapat matakot kay P/Chief Inspector Espenido- PNP Chief

Walang dapat ikatakot si Iloilo Mayor Jed Mabilog sa paglipat ni P/Chief Inspector Jovie Espenido sa nasabing lungsod.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief police director Gen. Ronald Dela Rosa, kung walang ginagawang masama si Mabilog ay hindi ito dapat matakot.

Bagaman binansagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na drug protector si Mayor Mabilog, naniniwala si dela Rosa na wala na itong pinoprotektahan ngayon dahil napatay na noon ang umano’y drug lord sa Western Visayas, ang mag-asawang Melvin at Miriam Odicta.

Inasahan na rin ni dela Rosa ang paglipat ni Pangulong Duterte kay Espenido sa Iloilo at pinagsisimula na niya itong magtrabaho sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, wala pang napipili si dela Rosa na papalit kay Espenido sa Ozamiz City.

Sa panig naman ni Espenido, desisyon na ng Alkalde kung gusto nitong sumuko sa PNP.

Aniya, ASAP o as soon as possible ang kaniyang reassignment sa Iloilo City.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *