Imbestigasyon ng Senado sa Pandi housing issue, tuloy pa rin

Sa kabila ng pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagkaloob na sa mga KADAMAY member ang mga housing unit na pwersahan nilang inokupa sa Pandi, Bulacan, tuloy pa rin ang gagawing imbestigasyon ng Senado hinggil sa nasabing usapin.

Ayon kay Senador JV Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, nais nilang malaman kung sino ang dapat managot dahil sa pag-papabaya sa housing projects at kung saan napunta ang pondong naka-laan dito.

Paliwanag pa ni Ejercito, tatalakayin din sa gaganaping pagdinig sa April 18, kung bakit marami pa ring housing peoject ng National Housing Authority ang nananatiling substandard, bitak-bitak at un-occupied.

Giit pa ni Ejercito, ang government housing peojects ay hindi lang basta tungkol sa structure, kundi dapat ay mayroon itong strategic plan para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Dapat ay accessible ang lugar para sa kanilang kabuhayan, transportasyon, edukasyon at kalusugan.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: