Imbestigasyon sa pekeng claims ng Wellmed Dialysis Center isa sa mga target na matapos ng Task Force Philhealth

Umaasa si Justice secretary Menardo Guevarra na isa sa mga matatapos ng Task Force Philhealth bago ang kanilang 30-day deadline ay ang imbestigasyon sa pekeng claims ng Wellmed Dialysis center.

Ang DOJ ang lead agency sa binuong Inter-Agency Task Force na mag-iimbestiga sa mga alegasyon ng kurapsyon sa Philhealth.

Ayon kay Guevarra, hihilingin niya sa ibang miyembro ng panel na tukuyin ang mga ongoing investigations na maaaring pabilisin at makumpleto sa loob ng 30 araw na ibinigay ng Malacañang.

Sinabi ng kalihim bago pa man ang pagbuo sa Task Force ay mayroon nang on-going special audits at imbestigasyon sa mga sinasabing anomalya sa Philhealth.

Aniya, dahil sa limitado ang ibinigay na panahon para makapagsumite ng report at rekomendasyon ang Task Force ay mas bibigyan nila ng atensyon ang mga imbestigasyon na makatwirang matatapos sa loob ng 30 araw.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: