Immigration E-Services para sa foreign nationals, inilunsad na

Pinagaan na ng Bureau of Immigration ( BI ) ang Visa transaction para sa mga foreign national na pumapasok sa bansa.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, ang E-Services ng BI ay tumutugon sa nilalayon ng Ease of Doing Business Transactions on Government Agencies Act.

Ayon kay Sandoval, sa pamamagitan ng E-Services ay makatutulong sa promotions ng turismo sa bansa dahil hindi na mahihirapan ang mga dayuhang turista sa pagkuha o extension ng kanilang Visa dahil puwede na itong gawin online.

Inihayag ni Sandoval na may safety measures ang E-Services ng BI upang hindi makalusot ang undesirable aliens o mga security risk na mga dayuhan na papasok sa Pilipinas.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *