Inabandonang kulay gray na BMW natagpuan sa Malate,Maynila

Isang abandonadong kulay gray na BMW ang natagpuan sa bahagi ng San Andres Street kanto ng M.H. Del Pilar Street sa Malate, Maynila.

Sa inisyal na report ng Manila Police District Station 9 na nakakasakop sa lugar, batay sa nakalap nilang testimonya mula sa isang witness, nakita umano nito ang isang lalaki na mula sa BMW na sapilitang kinuha ng 4 na hindi nakilalang suspek.

Ang mga suspek sakay umano ng 2 SUV at mabilis na tumakas sa lugar patungo sa direksyon ng Quirino Avenue.

Nagsasagawa naman na ng backtracking ang pulisya sa mga CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente at mga kalsadang konektado rito Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Land Transportation Office para maberipika kung sino ang may ari ng nasabing sasakyan.

Sa ngayon nasa pangangalaga ng pulisya ang sasakyan para sa kaukulang imbestigasyon.

Madz Moratillo

Please follow and like us: