Vaccine roll out sa 5 to 11 yrs old hindi tuloy bukas

Hindi tuloy ang nakatakda sanang bakunahan sa mga nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang bukas.

Ito ay matapos hindi matuloy ang pagdating ng mga bakuna ng Pfizer ngayong araw.

Sa isang abiso sinabi ng Department of Health na bukas ng gabi pa Pebrero 4 dadating ang bakuna.

Pagdating ng bakuna kailangan pa umano ng ilang preparasyon para sa pamamahagi nito sa mga vaccination site.

Dahil rito, sa Lunes, Pebrero 7 na lamang umano gagawin ang vaccine roll out sa 5 to 11 yrs old.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa kahalagahan ng pagbabakuna sa mga bata para masiguro ang karagdagang proteksyon nila laban sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: