Inaprubahan na ng Senado ang hinihinging pondo ng Office of the President na nagkakahalaga ng 10 billion 707 million  pesos.

Idinepensa ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang budget ng Office of the President na tumagal lang ng halos dalawampung minuto.

Walang humarang o nagtanong sa detalye ng budget ng tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos kaya mabilis itong naaprubahan.

Pero umapila si  Bersamin sa Senado na madagdagan ang pondo ng OP para matugunan ng Pangulo ang demand ng kaniyang trabaho bilang Head of State kasama na ang mga presidential engagements at imbitasyon ng mga foreign leaders para sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa

The budget adjustment we seek also accomodates the logisticals requirements of honoring invitation from foreign leaders  to visit their countries as well as diplopmatic initiative which would yield job creating investments that will hasten our post pandemic economic recovery.” paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin

Sa panukalang pondo ng OP sa 2024, pinakamalaking itinaas ang capital outlay na nasa 183 percent o 1.676 billion mula sa 590 million ngayong 2023.

Sabi ni Bersamin gagamtin ito para sa renovation at rehabilitation ng mga pasilidad at pagtatayo ng mga suport facilities sa Malacanang at pagpapalit ng mga lumang sasakyan

“It is the most opportune time to revice the implementaton infra works within the palace complex that have been stalled due to pandemic priority program of the President as well as to safeguard security objective of the presidency the philippine green building code.” patuloy pa na paliwanag ni Bersamin

Nakapaloob rin sa pondo ng tanggapan ng Pangulo ang 4.46 billion na confidential at intelligence funds

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara maaari namang mabago ang CIF ng Office of the President oras na isalang na ito sa plenaryo

Pero kung si Angara ang tatanungin hindi na ito dapat tapyasan dahil ang Pangulo ang Head of State at Commander in Chief at higit na nakakaalam kung may banta man sa seguridad ng bansa

“Presidente yan! Gusto ba nating pilayin ang Presidente kung sinabi niyang kelangan niya there are many things na even me as a Senator hindi ko alam yung Presidente lang nakaka receive ng intelligence eh meron siyang alam na hindi natin alam.” pagwiwika naman ni Senador Angara

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *