Incoming Energy Chief Lotilla, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 test, si incoming Department of Energy (DOE) Secretary Raphael “Popo” Lotilla.

Ayon sa DOE, ipinabatid ni Lotilla sa ahensiya na nagpositibo siya sa virus noong Sabado, at sumasailalim na sa medikasyon at self-isolation sa kanilang tahanan . . . “He has informed the Palace of his medical condition and will continue to provide updates.”

Sinabi pa ng kagawaran, na nagbibigay din sila ng updates sa incoming secretary tungkol sa mga bagay na nakaaapekto sa halaga ng langis at iba pang bagay na kailangang agad na aksiyunan ng departamento.

Noong Linggo, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 2,560 mga bagong kaso ng COVID-19 cases, kaya’t 3,733,101 na ang kabuuang bilang nito.

Ang kalakhang Maynila naman ay nasa ilalim pa rin ng COVID-19 alert level 1.

Please follow and like us: