Information Campaign , paiigtingin ng PAGCOR para maiwasan ang Resorts World incident

Paiigtingin pa ng Philippine Amusement and Gaming Corp. o PAGCOR ang kanilang information campaign para sa responsible gaming.

Ito ay paramaiwasan nang maulit ang pag-atake sa Resorts World Manila na ikinasawi ng tatlumput pito.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo , sa pamamagitan ng kanilang campaign ay maiiwasan ng sinoman na malulong sa pagsusugal.

“Pinakikita po namin yan kung paano hindi maging addict sa paglalaro. Una magsi-set ka ng budget mo. Pangalawa huwag kang maglaro kung ikaw ay stress o nalulungkot , pangatlo wag kang pupunta sa casino o sa palaruan kung ang hangad mo lang ay manalo kailangan enjoyment lang”. – Chairman Domingo

Sa ngayon ay nag-iimbestiga rin ang PAGCOR upang matukoy kung may sapat bang seguridad sa ibat ibang casino , kung competence ba ang mga staff , at kung may kakayahan sa pagtugon sa insidente ng sunog at iba pa.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *