Intensity 5 na lindol, naramdaman sa Davao Oriental

Niyanig din ng intensity 5 na lindol ang Governor Generoso sa Davao Oriental kaninang alas-2:00 ng madaling araw.

Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig, 230 kilometro sa Timog Silangan ng Governor Generoso.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na labing walong (18) kilometro.

Naramdaman ang intensity 1 sa Sarangani, Davao Occidental.

Niyanig din ng magnitude 2.3 na lindol ang bahagi ng Itogon, Benguet,  kaninang ala- una ng madaling araw.

Naitala ang sentro ng pagyanig labing anim (16) na kilometro sa Timog Silangan ng Itogon at ito ay may lalim na labing limang (15) kilometro.

 

Please follow and like us: