Interior Sec. Benhur Abalos nanawagan sa iba pang dawit sa Degamo killing na sumuko na

Umapela si Interior Secretary Benhur Abalos sa iba pang sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pang sibilyan na sumuko na.

Sinabi ni Abalos na mas mabuti kung susuko na lamang ang mga ito sa otoridad at makipagtulungan.

Courtesy: Radyo Agila

Ito ay lalo na’t may pabuya na inilaan para matunton ang mga ito at nadakip na rin ang ilan sa mga suspek.

Tiniyak din ng kalihim na tuluy-tuloy ang pagtugis sa iba pang mga suspek sa krimen.

Sa pagtaya aniya ng pulisya ay nasa 10 pa ang hinahanap na salarin.

Kampante naman si Abalos na mahahanap at makakasuhan ang utak ng krimen at makakamit ang hustisya.

Ayon pa kay Abalos, maganda ang itinatakbo ng imbestigasyon sa kaso.

Una nang inihayag ni Abalos na lahat ng anggulo at motibo sa pagpatay sa gobernador ay tinitingnan ng mga otoridad kabilang na ang pulitika.

Pero tumanggi ito na magbanggit ng iba pang detalye dahil sensitibo at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *