IRR ng Anti- Online Sexual Abuse or Exploitation Against Children’s Law, nilagdaan na

Pirmado na ang implementing rules and regulations (IRR) ng mga batas laban sa Online Sexual Abuse or Exploitation Against Children’s (OSAEC) law at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM).

Pinangunahan nina Justice Secretary Crispin Remulla at Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang paglagda sa IRR.

Binalangkas sa IRR ang komprehensibong panuntunan at mekanismo sa paglaban sa OSAEC.

Tinukoy din sa IRR ang mga patakaran para sa pag-u-ulat, imbestigasyon at prosekusyon ng nasabing pag-abuso online sa mga bata.

Ayon kay Remulla, hindi natatapos ang kanilang trabaho sa pagkakalagda sa IRR.

Dapat aniyang manatiling mapagmatyag ang gobyerno at pribadong sektor sa kanilang hakbangin para mapigilan at matugunan ang mga online na pag-abuso sa mga kabataan at palakasin ang mga polisiya at kooperasyon ng iba’t ibang ahensy para labanan ang malaking krimen.

Tiniyak naman ni Gatchalian na mahigpit na ipatutupad ng DSWD at hindi ma–abuso ang probisyon ng batas at IRR nito.

Patuloy din aniya na bubuo ang DSWD ng mga makabuluhang plano at programa upang matugunan ang umuusbong na pangangailangan para sa proteksyon, recovery at reintegration ng victim-survivors.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *