Isa ang patay, dalawa arestado sa drug buy bust operation sa SJDM

Isang tricycle driver at kasama nito ang naaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan.

Nakilala ang naaresto na si Ansiano Yusop, 47 gulang at kasama nito na si Alnor Bangon, 25 anyos na kapwa taga Riverside, Phase 12 sa Caloocan City. 

Ang mga suspek ay agad na hinuli matapos magbenta ng ilegal na droga sa isang nagpanggap na pouser buyer, sa kahabaan ng national road sa Barangay Gaya Gaya. 

Nakumpiska sa mga ito ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na ang street value ay 40-libong piso, kasama ang 10-libong pisong boodle money.

Samantala, isang lalaki naman na kasama sa drug watch list ng PNP at PDEA ng San Jose Del Monte, ang nasawi sa isa pang drug buy bust operation. 

Ang suspek ay nakilalang si Jeremy Garcia.

Sa pangunguna ni Major Julius Alvaro, acting chief of police ng San Jose Del Monte, nagsagawa ng buy bust operation ang pulisya sa Barangay Sapang Palay, Sitio Hulo.

Natunugan ng suspek na pulis ang kanityang katransaksyon, kaya agad umano itong bumunot ng baril at nagpaputok.  

Gumanti naman ang mga pulis at tinamaan ang suspek. Agad namang tumawag ng rescue team ang mga operatiba, ngunit binawian din ito ng buhay.  

Ayon sa San Jose Del Monte police, dati nang nakulong ang napatay na suspek ngunit patuloy pa rin ito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakuha sa napaslang na suspek ang mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, limang libong pisong cash, calibre 9mm na revolver na baril at 10-libong pisong boodle money. 

Ulat ni Oneil Manuel

Please follow and like us: