Isa sa mga kapwa akusado ni Senador Leila De Lima sa illegal drug trade sa Bilibid, arestado ng NBI sa Pampanga

Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Angeles City, Pampanga ang isa sa mga kapwa akusado ni Senador Leila De Lima sa kaso ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, hinuli si Jose Adrian Dera sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Muntinlupa RTC.

Si Jose Adrian Dera alyas Jad De Vera ay sinasabing pamangkin at security aide ni De Lima.

Itinuturo rin si Dera na isa sa mga bagman ni De Lima at ni dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: