Isa sa mga suspect sa San Jose del Monte, Bulacan masaker hawak na ng pulisya

Hawak na ng awtoridad ang isa sa suspek sa nangyaring masaker sa isang pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Si Carmelino Navarro Ibañes na tubong Negros Occidental, bente sais anyos, isang construction worker, ay naaresto ng San Jose del Monte Police pasado alas sais kagabi matapos kilalanin ng isang testigo.

Ayon sa mga pulis,  umamin na ang suspek nang kumprontahin ito sa harap ng kanyang nanay at kapatid sa istasyon ng pulisya.

Nabatid na bago ito ay may ilang persons of interest ang kinuwestyon ng pulisya at lahat ay pinauwi rin pagkatapos maliban sa suspek dahil sa inconsistencies sa kanyang testimonya.

Hinala ng mga awtoridad posibleng lulong sa iligal na droga ang mga suspek ng gawin ang krimen.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Please follow and like us: