Isang commercial fishing boat sa Zamboanga City tumaob..mga sakay na mangingisda nailigtas

Tumaob ang isang commercial fishing boat sa karagatang sakop ng Tictabon Island at Mampang, Zamboanga City.

Ayon sa Philippine Coast Guard, bandang 10:05 kagabi ng makatanggap sila ng tawag kaugnay sa pagtaob ng F/B JAYA-1 na may sakay na 11 mangingisda.

Ang PNP – Maritime Group, mabilis ring nakatugon at nailigtas ang 2 sa 11 mangingisda.

Bandang 10:20 ng gabi na-rescue ng PCG mula sa Zamboanga Station ang 4 pang mangingisda .

Habang ang 5 pang natirang mangingisda na nasa ibabaw ng tumaob na bangka na-rescue naman ng mga tauhan ng PCG.

Ang tumaob na bangka, nahila na ng Philippine Navy at nadala na sa pampang.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.