Isang nanay sa Pasig city isinauli ang sobrang 400 pesos food coupon na nakuha

Ibinalik ng isang nanay sa Pasig city ang sobrang 400 pesos na food coupon nakuha nito mula sa lokal na pamahalaan.

Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Pasig city Mayor Vico Sotto ang isinauling food coupon.

Ayon sa alkalde, naipambili na ng nanay ang 200 pesos sa talipapa.

Pero nakonsensya anya ito kaya isinauli ang  sobrang 400 pesos food coupon kung saan cash na ang 200 pesos

Sinabi ni Sotto na mas marami pa rin na tapat at may mabuting puso.

Ang food coupon ay ipinamahagi ng Pasig city government para sa mga  estudyante sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

400 pesos na food coupon ang inilaan sa  bawat mag-aaral.

Maaari itong gamitin sa pagbili sa mega market, mobile palengke at mga piling talipapa hanggang sa April 30.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: