Isang paksyon ng PDP – Laban tuloy ang National assembly sa July 17

Tuloy ang National Assembly ng isang paksyon ng PDP – Laban sa sabado, July 17.

Sa isang press conference, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na sa naturang assembly isasagawa ang eleksyon at pag-overhaul sa liderato ng partido.

Ito’y para maging malinaw kung sino sino ang mamumuno sa partido.

Iginiit ni Cusi na batay sa kanilang party Constitution at by laws, temporary lang ang posisyon ng lahat ng nakaupo sa PDP – Laban.

Malinaw aniya sa rules na dalawang taon lang ang termino ng mga namumuno kaya dapat na silang bigyan ng panibagong mandato.

Nanindigan ang grupo ni Cusi na hindi nila kinikilala ang ginawang pagpapatalsik ng grupo ni Senador Manny Pacquaio dahil hindi ito dumaan sa due process at labag sa kanilang mga itinatakdang by laws.

Hindi raw sila maaaring basta na lamang mapatalsik dahil matagal na sila sa partido katunayang miyembro na sila bago pa man tumakbo si Pangulong Duterte.

Meanne Corvera

Please follow and like us: