Resolusyon para gunitain ang arbitral ruling inihain sa Senado

Inihain na sa Senado ang mga resolusyon bilang paggunita sa ikalimang taong anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa West Philippine Sea.

Sa magkakahiwalay na resolusyon nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Leila De Lima, iginiit ng mga Senador na dapat ipaglaban ng Pilipinas ang karapatan sa isla.

Ayon kay Drilon, sayang ang arbitral ruling kung hindi ito gagamitin ng Pilipinas.

Dapat aniya itong gamitin sa pakikipagnegosasyon sa China dahil alinsunod sa International law, ang West Philippine Sea ay pag-aari ng Pilipinas.

Dismayado si Drilon, dahil sa halip na gamitin ang ruling paulit-ulit lang na naghain ng diplomatic protest ang gobyerno.

Meanne Corvera

Please follow and like us: