Isang Police Lieutenant, ika-53 pulis na pumanaw dahil sa Covid-19

Nakapagtala ng ika-53 namatay ang Philippine National Police dahil sa Covid-19 infection.

Sa datos ng PNP, isang 54-anyos na lalaking Police Lieutenant na nakatalaga sa Kampo Krame ang pumanaw.

April 14 nang dinala sa ospital ang pasyente dahil sa virus infection.

Sumailalim ang pasyente sa Hemopurfusion procedure at itinakda rin ang kaniyang Hemodialysis mula April 21 hanggang 23 ngunit hindi naging stable ang blood pressure ng pasyente at mababa rin ang oxygen level nito.

April 24 nang pumanaw ang pulis.

Nagpaabot na ng pakikiramay sa pamilya ng namatayan ang pamunuan ng PNP at tiniyak ang benepisyong matatanggap para sa pumanaw na pulis.

Muli namang nagpaalala si PNP Chief General Debold Sinas sa lahat ng mga Police personnel na mag-doble ingat laban sa covid-19 virus at agad na kumonsulta sa manggagamot kung nakaramdam ng mga sintomas ng virus.

Please follow and like us: