Isang subdivision sa Biñan City, Laguna isinailalim sa critical zone

Inilagay ng lokal na pamahalaan ng Biñan City, Laguna sa critical zone ang isang subdivision sa lungsod dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Biñan City Health Office, mula alas-12 ng hatinggabi ng March 17 hanggang March 31 isasailalim sa critical zone ang Amorlon Subdivision sa Brgy. Canlalay.

Pinayuhan ng LGU ang mga residente na sundin ang mga ipinapatupad na panuntunan para maiwasan ang lalong pagkalat ng virus.

Sa pinakahuling tala ay umakyat na sa 95 ang aktibong kaso ng COVID sa Biñan matapos na madagdagan ng 11  bagong kaso.

Moira Encina

Please follow and like us: