Driver na tumakas sa traffic violation inararo ang limang sasakayan; 15 katao sugatan

Sa Maynila, inaaro ng isang kotse ang 15 sasakyan sa kahabaan ng taft avenue northbound sa Ermita.

Aabot rin sa mahigit 15 katao ang nasugatan sa nasabing aksidente.

Kwento ng traffic enforcer na si Noriel Reynaldo, pinara umano nya ang driver ng Honda Jazz na may plakang THI 328 na sa tapat ng Philippine General Hospital dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Pero sa halip na tumabi kumaripas pa umano ng takbo ang sasakyan.

Kabilang sa mga inararo ng driver ng Honda Jazz ay pitong motor ilang SUV at taxi Depensa naman ng driver na kinilalang si Anthony santos martin, hindi umano syan tumakas sa enforcer.

Nawalan umano ng preno ang kanyang sasakyan.

Pero giit ng enforcer walang katotohanan ang pahayag ni Martin dahil huminto pa ito sa traffic light.

Dinala na sa Manila Police District si Martin habang ang mga nasugatan sa aksidente dinala sa Ospital ng Maynila.

Mahaharap naman ito sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injury.

Madz Moratillo

Please follow and like us: