Islamic group nagbantang magsagawa ng malawakang pag-atake sa Europe

Nagbanta ang Islamic group na may kakayahan silang maglunsad ng global attack, at magpopokus muna sila sa Europe matapos ang Paris massacre.

Sinabi ng European Union Police Agency o Europol, may bagong estilo ang mga rebeldeng grupo para makapagsagawa ng mas malakihang pag-atake.

Dahil dito, patuloy ang monitoring ng mga awtoridad sa naturang grupo para mapigilan ang kanilang planong pag-atake.

Please follow and like us: